ang nakaka-awang kalagayan ni Dionisio Ugpay. :'( |
more photos on http://www.facebook.com/media/set/?set=a.4117220934366.2148059.1398534893&type=1
please read the story below.
please read the story below.
Reposted.
Ako po ay dumudulog sa inyong puso upang ibahagi ang kwento ng buhay ni Dionisio Ugpay at nagbabakasakali ako na may mga mabubuting puso na maaring matulungan siya.
Si Dionisio Ugpay ay isang lumad at magbubukid sa Sitio Balite, Marilog District Davao City. Siya ay may edad na 62 at ipinanganak noong Disyembre 22, taong 1949 sa Dakudao, Davao City. May asawa at dalawang anak si Dionisio at nakatira sila sa isang maliit na kubo lamang. Siya ang naghahanap-buhay para sa kanyang pamilya dati, ngunit ngayon ay hindi na niya magawa dahil sa kanyang kalagayan.
Taong 2010 noong Marso 26 ng ma-aksidente sa isang banggaan si Dionisio habang nangangampanya para sa isang kandidato sa eleksyon. Ginamot siya sa isang pampublikong ospital at namalagi doon hanggang Mayo 9, 2010. Na-discharge siya sa ospital kahit hindi pa siya lubusang gumaling. Ang ipinagtataka ng pamilya nila Dionisio Ugpay ay kung bakit siya pinahintulutang lumabas ng tuluyan sa ospital noong Mayo 9 na mayroon pa namang mga bakal na nakakabit sa kanyang kanang paa. Dahil sa kawalan ng perang panggastos sa pananatili sa ospital at dahil na rin sa kakulangan sa kaalaman, hindi na nagreklamo pa ang pamilya at tuluyan nang lumabas sa ospital. Ang tanging bilin ng doktor ay ang bumalik sa Mayo 14, 2010. Subalit, hindi na ulit nakabalik sa ospital si Dionisio dahil sa kahirapan at dahil na rin nakakaramdam siya ng sakit sa tuwing ginagalaw niya ang kanyang paa. Hindi na maigalaw ni Dionisio ang kanyang paa sa sobrang sakit. Sa loob ng mahigit dalawang taon buhat ng maaksidente siya, hindi na siya nakakagalaw at nakakapaghanap-buhay. Araw-araw sa loob ng mga taong iyon ay nakaratay lamang si Dionisio sa isang higaan sa kanilang kubo. Ang masaklap pa ay nagsisimula ng magkaroon ng kalawang ang mga bakal na nakakabit sa kanyang paa hanggang ngayon. Sa makatuwid, noong binisita naming siya ay dumugo pa nga ang sugat buhat ng mga bakal na iyon.
Hindi man ako bahagi ng pamilya ni Dionisio Ugpay, nakikita ko po at nararamdaman ang paghihirap ni Dionisio at ng kanyang pamilya dahil sa kanyang kalagayan. Gustuhin ko man, tanging pansamantalang lunas lang ang kaya ko para makatulong kay Dionisio. Naniniwala po akong kailangan ni Dionisio ng karapatang lunas sa kanyang sitwasyon sa lalong madaling panahon. Kailangan niya ng solusyon sa sitwasyong ito. Kaya’t umaasa akong makakatulong ito na makahanap ng taong magiging instrument ng Diyos upang matulungan si Dionisio at matanggal ang mga kinakalawang na bakal na naka-kabit sa paa niya. Sana ngayong kapaskuhan, may makakatulong sa kalagayan ni Dionisio.
Sa mga nagnanais na makatulong o gustong makita ang kalagayan ni Dionisio, maari niyo po kaming tawagan sa numerong 295-0416 / 286-0046 / 0933-720-3555; o maari ninyong hanapin si Leonilo Suyko, Barangay Captain ng Barangay Marilog Proper.
hi gel!
ReplyDeletei guess Mang Dionisio should be brought to SPMC asap. i think mucater man sila ug indigenous people as charity patients. i know need nila ang money pero the more na nagwait for donations, the more na nagalala ang infection. pwede man cguro ichannel thru Lingap ang iyang case. and considering that this is a case of infection from a previous surgery, pwede nya balikan ang doctor na ngtreat sa iya. dapat din kasi naremove yang bakal jan after some time kasi it's not permanent.
thanks ate cham.. inform ko sila abt sa SPMC..
Deletekaso, may problem lang sa pag transport, ate. walang maghatid.. kung meron man, mahirapan raw sila galawin.. masakit daw.